5 Posibleng Dahilan Kung Bakit Wala Ka Pang Lovelife

Marahil binabasa mo ito ngayon dahil wala kang lovelife. Tama? Gusto mong malaman kung bakit, ano, sino at saan ka nagkulang. Dahil sa kabila ng araw-araw mong paglalagay ng kolorete sa iyong mukha, araw-araw mong pag-aayos na halos kita na lahat ng laman mo. At araw-araw na paiba-iba ang fashion sense kahit nagja-jacket na tirik ang araw. Hindi mo pa rin mahanap-hanap ‘yung taong tinatawag nilang Mr. Right?

Ngayon ang tanong, baka naman nakita mo na siya, choosy ka lang. Posible ‘yun ‘di ba?Lol. 🙂

Para naman sa mga kalalakihan bumabasa nito, marahil single ka rin. Naghahanap ng kasagutan kung bakit ‘yung mga kaibigan mo halos isang dosena na ang naging syota, ikaw, wala pa kahit isa. May hitsura ka naman, pero baka ikaw lang din ang nakakaalam. Lol. 🙂 (Saklap brad!)

Kaya naman naisip ng may-akda na hanapin ang 5 posibleng rason kong ano-ano ang dahilan ng pagiging single ng mga pinoy.

Paalala sa mga kabataang may edad 15 pababa, aral muna bago landi. ‘Wag magmadali. Dapat dahan-dahan lang. Ingat, sabi nga ni John Lloyd sa kanyang T.V. commercial. Kasi baka hindi ka pa handa  sa pagpasok sa papasukin mong relasyon at pagsisihan mo sa bandang huli.

* Career Oriented

– May mga tao talagang halos tumira na sa company office sa sobrang binibusy nila and sarli. Work > Home > Work > Kaunting Gala >Repeat. Kanya-kanyang rason, kanya-kanyang opinyon kung bakit ganitong lifestyle ang napili nila. Pero sa pagkakaalam namin, karamihan sa mga carrier-oriented ngayon ay may mataas nang pangarap sa buhay, marami pang ma-achieve bago mag 25 or 30, at marami pang travel destination ang gustong puntahan. Kung gusto n’yo lang naman ng mga ideya kung saan pumunta ngayon Ber months or next summer, bisitihan n’yo lang kami dito at tiyak marami kayang pagpipilian – Travel List.

Balik tayo sa usapan. Hindi rin naman ibig sabihin na lahat ng career-oriented, wala pang lovelife, ‘yung iba, meron, pero malay mo merong maghihiwalay pa lang kasi nga career-oriented. Lol. 🙂

* Hindi pa naka move-on or nasaktan ka nang sobrang-sobra

– Nagmahal, Nasaktan, Lumamon. Maraming ganyan, brad. Kahit wala sa isang relasyon, nasaktan. Nag-assume kasi. Kahit hindi nasaktan, lumamon, at kahit hindi nagmahal, lumamon pa rin. Sarap nga din naman lumamon lalo na malamig ang panahon. Lol.   Pero usapang seryoso, hindi natin sila masisisi kung bakit single pa rin sila dahil sa trauma ng kanilang past relationship. Kailangan lang siguro nila ng kaunti pang time, space at lugar kung saan mabilis sila makaka-recover gaya ng nai-post sa isang website: 10 Reasons Why You Should Visit Batanes While You Are Still Single.  Pero malay natin baka bukas, makalawa, may makabangga ka sa kalsada. Nahulog ang libro, sabay pupulutin, slow motion effect, insert music ni Gary V: Kung wala ka nang maintindihan, Kung wala ka nang makapitan, Kapit ka sa akin, Kapit ka sa akin, Hindi kita bibitawan.  ‘Yun forever na. hahaha.:)

* Choosy ka masyado

– #Fact101: Ang mga taong masyadong choosy lalo na ‘yung hindi naman ganun kagandahan at kagwapuhan ay e ‘di wow! Yung totoo, walang naman talagang problema sa pagiging choosy, kaso lang ang nangyayari kasi dito, kung sino pa ‘yung hindi naman ma-itsura, sila pa ang mas bully, mas pili sa mga taong kakaibiganin at mga syota nila.

* Walang nagkakagusto sa iyo. Period.

– Sinasabi mo busy ka. Sa school, sa work, sa bahay, sa business, hindi ka pa puwede magkasyota kasi strict ang parents mo, hindi ka pa puwede dahil marami ka pang pangarap sa buhay o kung ano man yan. Pero baka naman wala talagang may gusto sa iyo kaya single ka ngayon. Ayaw mo lang sabihin pero ‘yung totoo gustong-gusto mo nang magkaroon ng relationship goals.

* Hindi mo pinasa ‘yung chainmail

– Damhin ang bagsik ng sumpa dulot ng chainmail. ‘Yung hindi mo pinapansin na send this 10 or 15 or else mangyayari sa iyo to or you’ll regret things after kapag hindi mo naipasa ‘yung mensahe. Kaya naman sa taong nakakatanggap pa ng mga chainmail ngayon, magpaload na ng unli text, ‘wag ipagwalang-bahala at send hanggang may oras pa.

Sige ka, gusto mo bang maging single forever?  ^_^  

Advertisements